2020 HOROSCOPE | KAPALARAN

Base sa WESTERN ASTROLOGY|ZODIAC SIGN| HOROSCOPE

2020 KAPALARAN | HOROSCOPE
Image result for aries sign

Aries

March 21 – April 19

Ang taon 2020 ay magiging taon ng mga tagumpay at pagpapahalaga. Gusto mong tumaas sa kapangyarihan at posisyon. Dapat kang magmukhang mahusay sa iyong larangan o talento. Ang nais mo ay maunahan ang iyong mga katunggali. Magkakaroon ka ng maraming paglalakbay. Ang iyong espiritwal na antas ay tataas sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad ng inyong simbahan.

Taurus, Zodiac, Astrology, Symbol, Sign, Horoscope

Taurus

April 20 – May 20

2020 ang magandang taon upang pahalagahan ang mga bagay na iyong ninanais at seguridad pagdating sa iyong pananalapi. Maging handa sa gagawin na desisyon tungkol sa iyong propesyon o mga relasyon. Gayundin, dapat ay tiwala ka sa iyong mga napili. Buksan ang isipan sa mga mungkahi ng ibang tao.  Sa pag-ibig, ang pagiging mapilit ay hindi para sa taong ito.

Gemini, Zodiac, Sign, Symbol, Astrology, Astrological

Gemini

May 21 – June 20

Ang taong 2020 ay maraming oportunidad para sa iyo ngunit nangagailangan ng bilis na pagdedesisyon kung ano sa mga layunin mo ang gusto mong unang matupad. Kailangan ng mabilis na aksyon para sa mabagal na pag-unlad. Magiging abala ka sa iyong trabaho sa halos  buong taon, ang pananalapi ay magiging matatag, at ang buhay pag-ibig ay magiging masaya at romantiko.

File:Cancer.svg

Cancer

June 21 – July 22

Sa 2020, oras na upang matupad ang iyong pangarap. Magsusumikap ka, malalampasan mo ang iyong mga pagsubok, at ang resulta ay magiging mabuti. Kahit maraming trials sa taon ay mapagtatagumpayan mo ang mga ito. Ipakita ang iyong tiwala sa sarili at pagsikapan gawin ang lahat para maging pabor sa iyo.

File:Leo.svg

Leo

July 23 – August 22

Dapat maging ganap na handa para sa taong 2020, dahil marami pagbabago ang maaaring maganap. Maari tanggapin mo ang bagong trabaho, pagkakakitaan o negosyo. Magkakaroon ng pagbabago sa iyong mga gawain at mga taong pakikisamahan. At susubukan mong umangkop sa mga pagbabagong darating sa iyong buhay.

File:Virgo.svg

Virgo

August 23 – September 22

Ngayon 2020, ang buo taon ay maaring magbigay sa iyo ng sigla at good vibes. Ang taong ito ng bagong oportunidad aanihin mo ang mga gantimpala mula sa iyong nakaraang pagsisikap. Mas magiging matatag ang iyong relasyon sa mga taong nakapaligid sa iyo.

File:Libra.svg

Libra

September 23 – October 22

Ang taong 2020, ay maganda para sa iyo. Maaari mong asahan ang magagandang resulta sa larangan ng propesyon, negosyo, edukasyon at kasal. Makadarama kayo ng kaligayahan at kasaganaan sa buong paligid ninyo. Maaari mabili ang ilan sa iyong nais tulad ng gamit, bahay, sasakyan, at iba pa. Ikaw rin ay pinagpala sa usapin ng pag-ibig at maaring maging masaya sa bawat oras kasama iyong partner.

File:Scorpio.svg

Scorpio

October 23 – November 21

Sa taong 2020 ay maaari kang makatanggap ng mas magandang mga resulta sa larangan ng trabaho, pera at negosyo. May tutulong sa iyo upang ituon at magtagumpay sa mga bagay na pinaghirapan mo. Iwasan mo nga lang ang kawalan ng pasensya. Maaring mahikayat kang bumili na mga bagay na gusto mo tulad ng bike, car o gadgets. Magiging mas magandang ang kalusugan mo ngayon sa buong taon.

File:Sagittarius.svg

Sagittarius

November 22 – December 21

Sa taong 2020, ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon malutas ang mga naging problema mo sa taon 2019. Kailangan mong maging mapagpasensya, makipagkapwa, at mapangahas para magtagumpay. Maaari mong asahan ang mas magandang kapalaran sa larangan ng kalusugan, negosyo, edukasyon at pag-ibig.

File:Capricorn.svg

Capricorn

December 22 – January 19

2020, ito ay isang magandang taon para sa pagpapalago ng iyong sarili. Kung sinisikap mong mapagbuti ang iyong buhay pag-ibig, panlipunan, trabaho, o personal na buhay, sigurado magagawa mo ito kung ilalagay mo sa ang iyong isip. Ang malaking break ay malapit mo ng maabot, kung ito ay bibigyan mo determinasyon at pagsisikap.

File:Aquarius.svg

Aquarius

January 20 – February 18

Ngayon 2020 maaring maraming oportunidad ang dumating sa iyo. Subukan mong pagbutihin ang iyong sarili dahil maaring maging padalos dalos ka sa iyong desisyon na magiging sanhi ng pagtaas ng iyong gastusin. Mga problema sa buhay ay maaaring dumating kaya kailangan lutasin na may tiyaga at kalmado upang ang tagumpay ay tiyak na darating.

File:Pisces.svg

Pisces

February 19 – March 20

Sa pangkalahatan sa taong 2020 ay mananatiling isang maganda para sa Pisces at magdadala din ng maraming pagkakataon sa iyong karera, kalusugan, kayamanan, at pag-ibig. Maaring mapabuti ang iyong buhay sa taong ito ngunit kinakailangan mo ng matinding pasensya sa buong proseso kasama ang iyong pagsisikap at kasipagan para mangyari ito.

Please click this link: To watch on YouTube and more videos

Para sa katangian ng bawat zodiac sign at 2020 Pag-ibig | Love, 2020 Pananalapi | Pera | Finance | Money at 2020 Career. Maari nyo pong malaman dito sa video o bisitahin ang aming YouTube Channel

Ang horoscope ay isang forecast o pagtataya o prediksyon o hula o maaring mangyari sa hinaharap ng isang tao. Karaniwang nagsasaad din ng katangian ng isang tao at mga magiging reaksyon ng tao sa bawat bagay o pangyayari batay sa mga ugnayan ng posisyon ng mga bituin at planeta sa panahon ng kapanganakan ng taong iyon.

Kaya ang artikulo na ito ng pagtataya na inyong kapalaran ay pagbibigay kaalaman o payo para sa ikabubuti ng inyong kapalaran sa taon na ito.

Ang horoscope na ito ay para sa pangkahalatan at maaring hindi angkop sa iba dahil depende ito sa inyong kasalukuyang kalagayan tulad ng edad, relihiyon o kultura.

Share