Ahas (Snake)

Ito ba ang nilalaman ng panaginip mo kagabi? Ano ang kahulugan o ibig sabihin na panaginip ng mga ahas (Snakes)

Ang kahulugan ng iyong panaginip na ahas ay karaniwan simbolo ng paghihirap na pinagdadaanan sa buhay, kasamaan, pandaraya, kaaway na lihim, tukso at tao o bagay na hindi mapagkakatiwalaan 

Ngunit sa positibong pananaw, ito ay simbolo na karunungan, lakas, pagpapapgaling (healing) at pagbabago sa iyong buhay. Ang pahiwatig ng panaginip na ahas kung ito ay mabuti o masama ay maaaring nakasalalay sa kanilang mga aksyon sa iyong panaginip.

Ang makita ang isang ahas sa iyong panaginip ay nangangahulugang kailangan mong bigyang pansin ang mga taong pumapasok sa iyong buhay at mga taong malapit sa iyo. Marahil ay sinisikap ng isang tao na saktan ka sa paraang hindi mo inaasahan. Ito ay maaaring isang taong malapit sa iyo na nakakaalam ng iyong mga lakas at kahinaan. Ang pagpapakita ng ahas sa panaginip ay  simbolo ng isang nakatagong pagbabanta o isang pagtataksil at nagsasaad din na protektahan mo ang iyong sarili mula sa potensyal na panganib.

Kung paulit-ulit ang mga panaginip mo tungkol sa mga ahas, nagpapahiwatig ito na may nararamdamang banta ka ng isang taong may impluwensya. 

Kung malaking ahas ang nasa iyong panaginip simbolo ito ng inggit o selos mula sa isa o ilang tao na malapit sa iyo. Kung maliit na ahas naman ang nakita mo sa iyong panaginip, nagsasaad ito ng pag-unlad na hindi inaasahan sa larangan ng negosyo o propesyonal.

Sa iyong panaginip kung nakaramdam ka ng takot ng makita ang ahas, ito ay nagpapahiwatig na nahihirapan kang tugunan ang ilan sa mga isyu ng iyong buhay.

Ang ahas sa panaginip ay simbolo rin ng tukso o sexual temptation. Kung sa iyong panaginip ay kumakain ka ng buhay na ahas, simbolo ito na iyong nais na makipagtalik. kung ang nakita mo naman sa iyong panaginip ay tinitigan mo lang ang ahas, ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay makatagpo ng isang tao na lubhang kaakit-akit.

Ang ahas sa panaginip na nagpalit ng balat, ito ay simbolo ito ng pagbabago at tagumpay. Kung nakaramdam ka ng positibong emosyon o tuwa sa iyong panaginip habang nakikita mo ang ahas na nagpalit ng balat, ito ay nagsasaad ng magandang pagbabago sa iyong buhay, paglago, kaalaman at karunungan. 

Sa panaginip ay ahas ay simbolo ng pagpapagaling. Ang simbolo para sa medikal na propesyon ay isang caduceus na nagtatampok ng dalawang ahas.

Sa ilang kultura, ang ahas ay itinuturing na isang simbolo ng pagpapagaling. Tulad  kay Asclepius, ang Diyos ng Greek na nagpapagaling na madalas na nilalarawan na may hawak na baston na may nakapalupot na ahas. 

At ganon din ang Nehushtan, ang tansong ahas ni Moises na pagalingin ang mga Israelita sa kagat ng ahas.

Sa panaginip ang paghuli ng isang ahas ay maaaring magpahiwatig ng swerte sa pera.

Kung sa iyong panaginip ay tinuklaw ka ng ahas, ito ay nagpapahiwatig ng hindi ka takot sa panganib at nagsasaad ng swerte, magandang kapalaran, at masayang buhay.

Ngunit, kung sa tubig ka tinuklaw ng ahas, simbolo ito ng potensyal na sakit. Ito rin ay nagsasaad ng bigyan pansin ang emosyon mo sa ilang isyu sa iyong buhay bago ito mawalan ng kontrol. Sa  kabilang banda, ito rin ay simbolo ng “emotional healing” mula sa pagkabalisa o lungkot ay patungo sa kapayapaan at kasiyahan.

Kung ibang tao ang natuklaw ng ahas sa iyong panaginip, nagpapahiwatig ito na pagmamahal at pag-aaruga sa iyong mga magulang ay dapat ipakita tulad ng pagbibigay ng mahabang oras na makasama sila sa kabila ng dami ng iyong ginagawa.

Kung ang isang buntis ang nanaginip ng natuklaw ng isang ahas, ipinapahiwatig nito na manganganak siya ng isang batang lalaki; kung ang ahas ay malaki at malamya, nangangahulugan ito na ang sanggol ay magiging matalino.

Ang panaginip tungkol sa isang bata o anak na tinuklaw ng ahas ay nagpapahiwatig na dapat bigyang pansin ang pagkakaisa ng pamilya at lumikha ng isang masayang kapaligiran ng pamilya para sa bata o sa iyong anak.

Kung binata o dalaga na walang kasintahan ang natuklaw sa panaginip at sinubukan nya itong patayin ngunit nakaligtas, ito ay nagsasaad na matatagpuan mo na ang iyong mamahalin.

Ang panaginip ng pagpatay ng ahas ay nangangahulugan ng tagumpay tulad ng promotion sa iyong trabaho, paglaki ng kita o paglago ng iyong negosyo at ang masayang pakiramdam dahil nadaig mo ang iyong kalaban. 

Kung patay na ang ahas na nakita mo sa iyong panaginip, ito ay simbolo ng pagtatapos ng pagsubok tulad ng paglilinlang at bagong simula ng iyong buhay.

To watch on YouTube and for more videos

At kung sinunog ang ahas sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig ng kaliwanagan ng iyong isipan sa mga ilang isyu sa iyong buhay.

Ang pagyakap sa ahas sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na ang iyong mga hangaring matagpuan ang ganap na kaligayahan. Kailangan mong kalimutan ang ilang mga hinanakit. at kumuha ng ilang sandaling panahon upang makapag-relax. Ito rin ay nagsasaad ng paghahanap mo ng kaligayahan sa iyong emosyon at pakikipagtalik.

Ang panaginip na nakapalupot ang ahas ay nagpapahiwatig ng magkakaroon ka ng magandang kapalaran sa pag-aaral, trabaho at negosyo.

Ang paghawak o paghipo sa ahas sa iyong panaginip ay simbolo ng iyong taktika, plano at gagawin upang matalo ang iyong katunggali.

Ang panaginip na pag-apak sa ahas ay simbolo ng pag-iingat. Maging maingat sa bawat hakbang dahil ang maliit na pagkakamali ay maaring maging dahilan na malalang pagbabago o problema.

Ang panaginip na ahas na sa iyong tabi at nakahanda kang tuklawin ay simbolo na iyong kalaban ay nakagawa na ng plano upang ikaw ay pagbasakin o talunin, ngunit hindi siya  magwawagi.

Kung sinusundan ka ng ahas sa iyong panaginip, ito ay simbolo ng ayaw mong makipag-ayos sa mga ilang taong nakasamaan mo ng loob.

Sa panaginip, ang isang ahas na umaalis o tumakbo mula sa iyo ay nagpapahiwatig ng paghihiwalay at pagkabigo.

Kung nakikipag-usap ka sa ahas sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig ng babala, dagdag kaalaman o payo. Ngunit, kung sa iyong panaginip ay hindi mo naririnig o naiintindihan ang sinasabi ng ahas, nangangahulugan ito na natatakot kang makarinig ng isang bagay mula sa isang tao. Sinusubukan mong iwasan ang tao iyon, dahil talagang hindi ka handa na madinig kung anuman ang kanyang sasabihin.

Ang makita na ang ahas ay lumilipad sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig na ang iyong mga problema ay magtatapos sa isang maikling panahon. Malalampasan mo ang mga paghihirap at magkakaroon ka ng magagandang araw. Ang isang lumilipad na ahas ay tanda ng kaligayahan. Ang panaginip ay nagsasaad na ang iyong kaaway ay lalayo sa iyo.

kung palakaibigan ang ahas nasa iyong panaginip, nangangahulugan ito na nagawa mong harapin ang lahat ng iyong mga takot at problema. Ang panaginip na ito ay maaaring maging isang senyales na ang mga bagay sa iyong buhay ay mapapabuti.

Ang isang panaginip kung saan ikaw ay hinahalikan o dinidilaan ng isang ahas ay nagpapahiwatig na nawawalan ka ng interes sa iyong trabaho.

Sa panaginip, kung nakatanggap ka ng isang ahas bilang isang regalo, ito ay simbolo na galing mo sa pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan,

SNAKE – 6TH CHINESE ZODIAC SIGN

Matalino at madalas mahiwaga ang ahas ay na nasa ikaanim na sign ng Chinese Zodiac. Ang mga pinanganak sa ilalim ng chinese zodiac na ahas ay may pisikal na kapansin-pansin at may kahanga-hangang estilo ng personalidad.

Malaya sila at sa halip pribadong mga tao na sumusunod sa kanilang sariling landas, anuman ang iniisip ng iba. Sila ay palabiro at sopistikado. Hindi sila interesado pag-usapan ang maliliit o walang saysay na isyu. Sila ay kadalasan ay psychic, mas interesado sa pilosopiya at espiritwal na tema. 

Lagi silang gumagawa ng mga bagong plano at sumusunod sa kanila nang hindi umaasa sa payo ng iba. Sila ay karaniwang tama, ngunit ito rin ay mula sa hindi pagtitiwala sa iba. Hindi mo maaaring husgahan ang isang ahas ng dahil sa kanyang balat. Ang kanilang mabagal at tamad na pakikipag-usap ay nagtatago ng kanilang mabilis na pag-iisip. Sa likod ng kanilang pagiging kalmado, sila ay alerto at mapagmasid. Ang pera ay hindi isang isyu at maaari silang maging medyo mapagbigay.

Ang mga kalalakihan na ipinanganak sa taong Snake ay misteryoso at malawak ang karanasan. Sila ay banayad at alam kung paano at kailan sasabihin ang mga tamang bagay.

Sila ay malikhain at may simpatya. Sa mga awkward na sitwasyon, nasasabi nila ang kanila nais sa pabirong paraan. Pagkakaiba nila sa iba, naniniwala ang mga lalaking isinilang sa taon ng ahas sa pag-iibigan, mahilig silang magbigay ng sorpresa.

Gayunpaman, nais nilang maging sentro ng atensyon at  seloso. Kaya minsan nahihirapan silang makihalubilo.

Ang mga babaeng ipinanganak sa taong Snake ay kaaya-aya at elegante. Magaganda sila, sa loob at labas. Ang kanilang kumpiyansa ay ipinakita sa kanilang interest sa fashion at pagpapahalaga sa klasikong sining.

Lagi silang nag-iisip, kahit madalas ay kumikilos sila na parang wala silang pakialam. Mayroon silang matataas na pamantayan para sa mga kaibigan. Hangad nila ang kayamanan at kapangyarihan. Sa kanilang katalinuhan at kasanayan, madali lang sa kanila ang magtagumpay.

Gayunpaman, ang kanilang pinakamalaking kahinaan ay ang kanilang mga inggit. Ang makita na mas angat at matagumpay ang iba ay minsan nagiging sanhi na kanilang pagkabalisa, ngunit ang inggit na ito ang nag-uudyok sa kanila upang magtrabaho pa ng mabuti at maging mahusay pa sa kanila larangan. 

To watch on YouTube and for more videos

Kahulugan ng panaginip na Ahas (Snake) – Part 3 | Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ito?

Mga simbolo ng ahas sa panaginip – kulay ng ahas at maraming ulo.

To watch on YouTube: https://youtu.be/G32qOczsCOE

To watch on Facebook: facebook.com/watch/?v=568192523974508

Mga kahulugan o ibig sabIhin ng panaginip na ahas na maraming ulo

Ano ang kahulugan ng iyong mga panaginip na Ahas | Snakes?

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ahas ng bagong panganak | itlog ng ahas?

Ano ang kahulugan ng panaginip na ahas sa tubig o ilog | ahas sa ilalim ng dagat?

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ahas na gumagalaw sa damo | ahas sa bahay?

Ano ang kahulugan ng mga panaginip na ahas na nasa ilalim ng kama o unan | pagtulog na may katabing ahas?

Anong ibig sabihin ng panaginip na  ahas na lumalabas sa iyong katawan o bibig | ahas na pumapasok sa iyong katawan?

Ano ang kahulugan ng iyong mga panaginip na ahas sa iyong ulo | ulo ng ahas?

Anong ibig sabihin ng panaginip na  mata ng ahas | dila ng ahas?

Ano ang kahulugan ng mga panaginip na ahas na ahas na maraming ulo | ahas na may dalawang ulo?

Anong ibig sabihin ng panaginip na  ahas na may tatlong ulo | ahas na may apat na ulo?

Ano ang kahulugan ng mga panaginip na ahas na may limang ulo | ahas na may anim na ulo?

Anong ibig sabihin ng panaginip na ahas na may pitong ulo | ahas na may walong ulo?

Ano ang kahulugan ng panaginip na ahas na ahas na may binti at paa ?

Mga kahulugan o ibig sabihin ng panaginip ng mga kulay ng ahas

Anong ibig sabihin ng panaginip na puting ahas (white snake) | dilaw na ahas (yellow snake)?

Ano ang kahulugan ng mga panaginip na berdeng ahas (green snake) | itim na ahas (black snake)?

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na pulang ahas (red snake) | asul na ahas (blue snake)?

Ano ang kahulugan ng panaginip na lilang na kulay ng ahas (Violet | Purple Snake) 

Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip na  brown na ahas (brown snake) | ahas na kulay ng kahel (orange snake)

Ano ang kahulugan ng mga panaginip ahas na pilak (silver snake) | gintong ahas (golden snake)

Kahulugan ng panaginip na Ahas (Snake) – Part 4 | Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ito?

Mga kahulugan o ibig sabihin ng panaginip na ahas na base sa iba’t ibang kultura at uri ng mga ahas sa panaginip

To watch on YouTube: https://youtu.be/sltBrDvXNks

To watch on Facebook: facebook.com/watch/?v=444917266149683

Mga kahulugan o ibig sabihin ng panaginip na ahas na base sa iba’t ibang kultura

kahulugan ng panaginip na ahas sa Kristyanismo

ibig sabihin ng panaginip na ahas sa Islam

kahulugan ng panaginip na ahas sa Hinduismo

ibig sabihin ng panaginip na ahas sa Egypt 

kahulugan ng panaginip na ahas sa Griyego

ibig sabihin ng panaginip na ahas sa Roma

kahulugan ng panaginip na ahas sa Budismo

ibig sabihin ng panaginip na ahas sa Tsino

Mga kahulugan o ibig sabihin ng panaginip na uri ng mga ahas

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ahas na Phyton?

Ano ang kahulugan ng panaginip na ahas na Cobra?

Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ahas na Viper?

Ano ang kahulugan ng mga panaginip na ahas na Boa Constrictor?

Sa artikulong ito ay ibinabahagi lamang ang pananaw tungkol sa mga simbolo ng iyong panaginip. Ang simbolo sa iyong panaginip ay sumasalamin sa mental, emosyonal, at pisikal na kalagayan mo ngayon at sumasalamin din ito sa mga paniniwala at mga impluwensya na ating kultura. Kaya kung ang iyong panaginip ay positibo ang sinasalamin. Magpasalamat, magsumikap at magdasal sa Diyos upang ang tagumpay o kasaganahan ay makamtam. Ngunit, kung ang iyong panaginip ay negatibo ang ipinahihiwatig, ito ay isa lamang “babala” na maaring maiwasan at malampasan, basta’t magtiwala lamang sa iyong kakayahan at magdasal na may pananampalataya sa Diyos. Ang babala ay pwede ring maging positibo dahil ito ay nakadepende kung paano mo ito bibigyang kahulugan. Tandaan, lahat ng pagsubok at paghihirap ay may kapalit na umaapaw na kasiyahan at kasaganahan. At upang mapanatili ang kasaganahan sa iyong buhay, matutong ibahagi ito sa iba at laging magpasalamat sa ating Diyos.

Share