Ang nakabulagta at inakalang Chinese national na may nCoV, lasing na Koreano raw pala

Sa aming shared post sa Facebook page ay may isang concern citizen na nagkomento na ito raw ay Fake News na may kasamang imahe ng pahayag ng Manila Public Information Office

Image may contain: one or more people and outdoor, possible text that says 'INRERY Manila Public Information Office FAKE NEWS ALERT: There no truth to the rumor that Chinese national fell along Remedios Street due suspicions that he allegedly had novel coronavirus, according to report by Ermita Police Station. Ermita Police Station Commander Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan, quoting the report, identified the person shown in viral photos videos taken on Saturday February 1, as drunk Korean national. The Korean national, Caramoan said, personally appeared at the police station and informed that he surprised" that photos and videos him showing that he may have been virus.'

Sa totoo lang, naka-aalarma ang video na ito

Ngunit, pinabulaanan ng Manila Public Information Office ang viral post na ito, hindi pala Chinese kundi isang Koreano raw na lasing ang nakabulagta sa Remedios St. Taft Ave.

Dumulog siya sa pulisya upang linawin ang kumakalat na larawan o video nya sa online.

Ayon mismo kay Ermita Police Station Commander na si Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan, nagulat raw kasi ang Koreano sa mga kumakalat niyang larawan at video online. Nilinaw ng koreano na hindi siya infected ng virus nagkataon lang na hindi niya kinaya ang kanyang kalasingan. Ngunit, nang mahimasmasan ay nakatayo pa siya at nakapaglakad.

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Zaldy Bao ukol umano sa isang Chinese National na natumba sa kalye ng Remedios, Taft ave.

Hindi maiiwasan maalarma ang karamihan lalo na’t halos kahintulad ito sa mga nakikitang larawan o video sa online ng mga Chinese na nabulagta sa daan dahil sa sakit nCoV. At bukod pa ron ay mayroon ng nagpositibo na ng novel coronavirus dito sa Pilipinas.

Ngunit, hindi rin natin masisi ang uploader kung ganon na lamang ang kanyang reaksyon lalo pa at wala raw nais tumulong sa lalaki sa takot na baka raw ito’y Chinese na positibo sa nCoV.

Share