Bagong Pangitain ng isang Pinay Psychic patungkol sa pagsabog ng Bulkang Taal, Pebrero raw?

Mabilis na naging viral ang isang post ng isang Pinay Psychic na si Hayi “Mamu” Cruz.

Matatandaan na si Mamu ay nagkaroon ng panayam sa KMJS ukol sa kanyang prediksyon na magaganap na lindol noong Abril 2019 at ganoon din ang pagsabog na bulkan Taal.

At nitong Enero 23 ay nagkaroon na naman siya ng panibago post na may kaugnayan sa Taal Volcano.

Ayon kay Mamu, kumonekta siya sa kanyang gabay na diwata na si Marikit upang alamin ang kalagayan ng bulkang Taal at dinala siya nito sa isang tahimik at madilim na kweba.

Nakarinig na siya ng isang boses na lalaki at tinanong siya kung ano kailangan nito. Tumugon naman si Mamu na “gusto ko lang malaman ang lagay ng Taal” at dinala siya nito sa isang lupa na parang bundok na tila gumagalaw. Dahil sa nakaramdam siya ng takot na tila sasabog daw ang lupang gumagalaw at sa pagnanais niyang maka-alis ay lakas loob niyang tinanong kung kailan ito sasabog

At ang sagot daw ay “Pebrero, hintayin mo ang pinakamalakas na pagsabog na gigimbal sa buong mundo”

Tapos ang huling narinig daw ni Mamu ay 8. Hanggang ngayon ay napapa-isip siya kung dinala ba siya ni Marikit sa tagabantay ng bundok.

Basahin ang kanyang buong pahayag

TAAL VOLCANO…

MAY SASABIHIN AKO SA INYO PERO HINDI PANANAKOT…

KUMONEKTA AKO KAY KIT KANINANG MADALING ARAW..

TINANONG KO KUNG ANONG LAGAY NG MAKISIG NA TAAL,KUNG TAPOS NA BA ITONG MAG ALBUROTO,KUNG ANO ANG PLANO NG TAAL NA ITO..

DINALA NIYA KO SA MISMONG SCENARIO..
ISANG TAHIMIK AT MADILIM NA KUWEBA NAGLAKAD AKO SABI KO MARIKIT ITO BA ANG ILALIM NG TAAL?EWAN KO OUT OF NOWHERE NAKARINIG AKO NG BOSES NG ISANG LALAKE,,SABI NIYA ANONG KAILANGAN MO,SAGOT KO GUSTO KO LANG MALAMAN ANG LAGAY NG TAAL MADAMI NA KASING NAAAPEKTUHAN,SA ISANG KISAP MATA NASA HARAPAN NA AGAD AKO NG ISANG LUPANG PARANG BUNDOK NA HINDI KO ALAM KUNG HUMIHINGA BA KASI GUMAGALAW, ACTUALLY NAKARAMDAM AKO NG TAKOT PERO LAKAS LOOB AKO NAGSALITA AT ANG NASA ISIP KO KAILANGAN KO NG UMALIS SA LUGAR NA ITO
KASI PARANG ANYTIME SASABOG ANG GUMAGALAW NA LUPA,SABI KO NA LANG NG PASIGAW KELAN KA BA SASABOG BIGLANG MAY SUMAGOT NG NGAYON PEBRERO HINTAYIN NYO ANG PINAKAMALAKAS NA PAGSABOG NA GIGIMBAL SA BUONG MUNDO TAPOS ANG HULING NARINIG KO NA LANG AY 8….

DINILAT KO ANG MGA MATA KO SABAY TANONG KO SA SARILI KO…

TAAL NG BA ANG NAPUNTAHAN KO??
O
NANANAGINIP LANG BA AKO??
O
DINIREKTA NA AKO NI MARIKIT SA MISMONG TAGA BANTAY NG BULKAN TAAL???

UNTIL NOW NAG IISIP AKO…..
FEBRUARY ANG NABANGGIT NIYANG BUWAN…

PERO ANO YUNG 8????

PETSA?
ORAS?
ARAW?

HAIST…

Ayon naman sa huling update ng PHIVOLCS, nasa alert level 4 pa rin ang Taal Volcano at ang magma na nanggagaling sa ilalim ay napupunta na sa ibabaw.

Kaya hindi pwedeng maging kampante ang mga residente dito dahil sa malaking posibilidad na mapinsalang pagsabog nito na maaring mangyari anumang oras. Kaya’t mariin na pinapayo ang total evacuation lalo na sa mga residente na nasa loob ng 14km danger zone at sa Pansipit River na malapit sa mga bitak.

Matatandaan noong 1754 ang pagsabog ng bulkang taal ang naging dahilan kung bakit naging makitid ang Pansipit River at umusbong ang bagong lupain. Gayon din ang pagkawala ng ilang lugar na siyang nagpabago sa mapa ng Batangas.

Ano ba ang pinagkaiba ng Pangitain at Panaginip?

Ang panaginip ay nakikita mo ang nagaganap habang ikaw ay nasa pinakamalalim ng antas ng pagtulog samantala ang Pangitain naman ay maari gising ka o bahagyang tulog dahil nararamdaman mo pa rin ang iyong nasa paligid.

Ang Pangitain at Panaginip ay parehong nagpapakita ng nakaraan o hinaharap. Sa hinarap (future), nagsasaad ito ng pag-asa o babala. Ang babala ay maaring magbigay sa iyo ng proteksyon upang makaiwas sa maaring hindi magandang pangyayari. Ngunit, isa lamang itong babala at maari ding magbago depende sa iyong pananampalataya sa Maykapal.

Ang pagdarasal ay makaakibat ng isang daang porsyento ng paniniwala dahil ang maliliit na pagduda at pangamba ay may malaking epekto kung bakit hindi natutupad o nade-delay ang ating hinihiling. Pero maraming talaga pangyayari na wala tayong kontrol dahil tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng kanyang plano sa bawat buhay ng isang tao.

Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa lihim ng bagsik ng Bulkang Taal (Taal Volcano)

Share