Coronavirus posibleng galing sa pagkain ng Paniki at Ahas

POSIBLENG ang kinakatakutang Coronavirus na kumitil ng mahigit 17 katao ay galing sa pagkain ng mga paniki o ahas na nagsimula sa Wuhan, China, ito ayon sa genetic analysis.

Unang naiulat ang coronavirus noong Disyembre 2019 sa Wuhan, malaking lungsod sa central China, at simula noon ay mabilis na itong kumalat.

Nadiskubre na bagong coronavirus ito na kapamilya ng mga virus gaya ng kilalang severe acute respiratory syndrome coronavirus (SARS-CoV) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ayon sa mga teorya na isinagawa sa pagsusuri ng ‘genome sequence’ na kinabibilangan ng mga genes, at deoxyribonucleic acid (DNA) sa naturang virus, lumilitaw na ang bakterya ay nakuha mula sa mga paniki.

Sa isang eksaminasyon na isinapubliko noong Martes sa Science China Life Sciences journal na pinondohan ng Chinese Academy of Sciences sa Beijing, na siyang nagsuri sa kaugnayan sa pagitan ng bagong strain at mga virus lumalabas na ang virus na nanggaling sa Wuhan, China ay makikita sa strain na nagmumula sa mga paniki.

Sinabi naman ni Gao Fu, director ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, ang virus ay hinihinalang nagmula sa ‘wild animals at the seafood market’ o sinasabing exotic food tulad ng ahas, daga, paniki, buwaya, camel at iba pa,

Karamihan sa mga ‘exotic species’ ay ikinukunsidera umanong delicacy sa China at iba pang Asian country

Share