Kobe Bryant at ang kanyang anak na si Gianna, patay sa Helicopter Crash

Napakaraming nagluluksa ngayon sa pagkawala ni Kobe Bryant, ang NBA MVP at isa sa pinakamagaling na manlalaro sa larangan ng basketball na namatay noong Linggo nang bumagsak ang helicopter na kanyang sinasakyan at sumabog sa isang burol (hills) sa Calabasas, California. Ang kanyang anak na babae na si Gianna, 13, ay nakasakay din at namatay kasama ang pitong iba pa.

Ang pagkamatay ni Bryant ay unang naibalita sa TMZ na kinumpirma naman ng ESPN

Ginugol ni Bryant ang kabuuan ng kanyang 20-taong karera sa NBA kasama ang Los Angeles Lakers. Si Bryant, na kilala bilang Black Mamba, ay nag-average ng 25 puntos bawat laro sa kanyang karera at ang pang-apat na pinakamataas na scorer sa kasaysayan ng NBA, na may 33,643 puntos.

Nanalo ng limang kampeonato, bago magretiro noong 2016. Nagwagi rin siya ng dalawang medalyang gintong Olympic kasama ang pambansang koponan ng US noong 2008 at 2012.

Pahayag mula kay Michael Jordan

Image

Kobe Bryant 1978 – 2020

Share