Leon (Lion)

Leon – Ito ba ang nilalaman ng iyong panaginip kagabi? Ano ang ibig sabihin nito?

Ang leon sa panaginip ay kumakatawan sa dignidad, royalty, pamumuno, pagmamataas, at dominasyon. Sumasagisag din ito ng husay, lakas ng loob, pagsalakay at kapangyarihan.

Ito rin ay nagsasaad ng swerte, kaligayahan at katanyagan sa buhay.

Kumakatawan din ito sa papel na ginagampanan ng kapangyarihan mo sa iyong pang-araw-araw na buhay tulad sa pamilya, pag-ibig, trabaho, at buhay sa panlipunan.

Ang leon sa iyong panaginip ay nagpapahiwatig ng tagumpay sa kinabukasan.

Kung sa panaginip mo, ikaw ang naging isang leon, ito ay tumutukoy sa sobrang kapangyarihan na iyong pinanghahawakan ngayon at nagsasabi na kailangan mo itong kontrolin para sa iyong kapakanan. Gayunpaman, kung nakakaranas ka ng ilang paghihirap tungkol sa iyong personal na isyu, ang panaginip tungkol sa pagiging isang leon ay nangangahulugan na ikaw ay magtatagumpay sa iyong mga problema lalo na sa emosyon.

Ang maamong leon naman sa iyong panaginip ay isang babala para sa iyo na baguhin ang iyong mga lumang gawi upang umunlad sa buhay.

Kung ang panaginip ay tungkol lamang sa pagsakay sa isang leon at ikaw ay masaya sa ginagawa mong ito, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay maligaya at kontento sa iyong buhay.

Para sa ungol (roars) ng leon sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng isang pagpapakita ng kapangyarihan o teritoryo. Kailangan mong maging mas malinaw tungkol sa iyong mga hangganan at sa ang iyong mga responsibilidad para maiwasan ang kapamahakan mula sa mga bagay o taong nakapaligid sa’yo.

Ang panaginip na ikaw ay inaatake ng isang leon ay nagpapahiwatig na ang kapangyarihan ay maaaring maging dahilan ng pagkawasak ng iyong sarili. Kailangan mong mapaglabanan ang mga hamon at mga hadlang. Maaari din itong mangahulugan na nasasaktan mo ang mga taong nakapaligid sa iyo dahil sa iyong pamumuno.

Kung sa iyong panaginip ay nakita mo ang isang namamatay na leon, ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay pinanghihinaan ng loob sa nararansan mo ngayon. Ngunit kung ikaw mismo ang pumatay sa leon, ito ay tumutukoy sa napakalaking pressure na iyong kinakaharap tungkol sa isang mahalagang isyu.

Ang panaginip na nakatakas ka mula sa isang leon ay nangangahulugan na maiiwasan mo ang isang nagbabantang panganib.

Ang panaginip ng pakikipaglaban sa isang leon ay nagpapahiwatig ng isang iskandalo at kung sa iyong panaginip ay nakikita mo ang iyong sarili na nadaig o natalo mo ang leon, nagpapahiwatig ito, na ikaw ang mananalo mula sa iyong mga kalaban.

Ang panaginip na nakakita ka ng isang batang leon, ito ay nagpapahiwatig na makakatagpo ka ng bagong kaibigan. Ngunit kung sinasalakay ng leon ang isang aso, nagpapahiwatig naman ito ng pagkawala ng mabuting pagkakaibigan.

Ang panaginip na may pakpak ang leon ay nagpapahiwatig na may magagandang bagay na darating sa iyo sa nalalapit na panahon.

Ang panaginip ng isang leon na malambing na niyayakap o dinidilaan ka ay nagpapahiwatig ng ginhawa, pag-ibig at kasaganahan sa iyong buhay.

Ang kulay ng leon nakita mo sa iyong panaginip ay mga pahiwatig din. Kung ito ay itim na leon, isang palatandaan na napapalibutan ka ng negatibong enerhiya. Kung puting mga leon ay nagpapakita ito ng iyong dakilang kapangyarihan. Ang pulang leon ay kumakatawan sa iyong walang hanggang pagnanais na makamit ang paliwanag na isyu na iyong kinahaharap ngayon. Ang berdeng leon ay tanda ng panimulang punto ng mga pagbabago sa buhay. Isang gintong leon ang kumakatawan sa iyong mga katangian sa pamumuno tulad ng, ang nais mo sa iyong mga nasasakupan ay maging mahusay lahat sa inyong larangan, hindi kung sino o hanapin ang pinakamagaling.

Mga sinasagisag ng Leon ayon sa kultura, espritwal at paniniwala.

Sa antas ng espiritwal, ang isang leon ay madalas na nabanggit sa Biblia. Na kumakatawan sa makalangit na pag-ibig at lubos na katotohanan, tinutukoy ito ng mga Kristiyano bilang “ang leon ng tribo ng Juda”, bukod sa pagsasagisag sa liping Hudyo, ito rin ay tumutukoy kay Cristo.

Sa tradisyon ng Islam, ang isang leon ay sumasagisag sa tapang, pagkahari, at galit.

Sa Hinduism, ang isang leon, na sumasagisag sa royalty, kabangisan, at lakas ay ginagampanan ng malaking takot at paggalang sa India. Maraming mga diyos at diyosa ang nakikita na may mga kasamang leon, at ang isa ay si Narashima, isa sa sampung pagkakatulad ni Vishnu, na may ulo ng leon sa isang katawan ng tao. Ang diyosa na si Durga ay sumakay rin ng isang ginintuang leon. Sa katunayan, ang National Emblem ng modernong Indya ay isang kopya ng Sarnath Lion Capital ng Emperor Ashoka na bumubuo ng apat na leon, ay kumakatawan sa pagmamataas, lakas, lakas ng loob, at pagtitiwala.

Sa kultura naman ng Tsino at Budismo, ang isang leon ay tinitignan bilang isang hayop na may mataas na kadakilaan dahil sa kakayahang protektahan ang mga tao mula sa mga demonyo at mga multo. Sa maraming magarang okasyon ng Tsina, isang espesyal na sayaw na tinatawag na “lion dance” ay ginaganap.

Sa kultura ng Griyego, ayon sa sinaunang Gresya, ang mga leon ay nauugnay kay Dionysus, Pibus, Cybele, at Artemis dahil ayon sa ilang mga alamat, ang mga leon ay nilalagay sa mga karwahe para sa mga diyos at diyosa.

Sa kulturan naman ng Native American, ayon sa iba’t ibang mga kuwento, may isang leon na lumilitaw sa bundok bilang isang matalinong lider na may lubos na kamalayan sa kanyang layunin at umuunlad nang may pagtitiwala.

Sa kulturan naman ng Egyptian, ang mga leon ay nakikita bilang kinatawan ng napakalawak na kapangyarihan ng araw at ang mapanakop na liwanag sa kadiliman. Ang leon ay kumakatawan sa diyosang si Sekhmet, na may ulo ng leon na may katawan ng isang babae, at siya ay kilala sa kanyang tapang sa labanan at likas na tagapagtanggol. Ang Sphinx ay kilala rin bilang tagapangalaga ng mga pharaoh, at may ulo ng babae na may katawan ng leon.

Sa kultura naman ng mga Romano, ang isang leon na may pinakamalagong mane ay kumakatawan sa pagkahari.

Sa Astrolohiya, ang leon ay kumakatawan sa zodiac sign na Leo. Ang zodiac sign na Leo ay nakikita bilang may matapang na personalidad, malakas ngunit may ugaling madamdamin. Ang mga tao na ipinanganak sa ilalim ng zodia sign na Leo ay matapang at tapat na kaibigan, na handang ipaglaban at protektahan ang kanyang mga minamahal.

Sa artikulong ito ay ibinabahagi lamang ang pananaw tungkol sa mga simbolo ng iyong panaginip. Ang simbolo sa iyong panaginip ay sumasalamin sa mental, emosyonal, at pisikal na kalagayan mo ngayon at sumasalamin din ito sa mga paniniwala at mga impluwensya na ating kultura. Kaya kung ang iyong panaginip ay positibo ang sinasalamin. Magpasalamat, magsumikap at magdasal sa Diyos upang ang tagumpay o kasaganahan ay makamtam. Ngunit, kung ang iyong panaginip ay negatibo ang ipinahihiwatig, ito ay isa lamang “babala” na maaring maiwasan at malampasan, basta’t magtiwala lamang sa iyong kakayahan at magdasal na may pananampalataya sa Diyos. Ang babala ay pwede ring maging positibo dahil ito ay nakadepende kung paano mo ito bibigyang kahulugan. Tandaan lahat ng pagsubok at paghihirap ay may kapalit na kasiyahan at kasaganahan. At upang mapanatili ang kasaganahan sa iyong buhay, matutong ibahagi ito sa iba at laging magpasalamat sa ating Diyos.

Photo – credit to the owner

Share