Ulan (Rain)

Panaginip tungkol sa ulan ay isang simbolo ng pagbabago at spiritual cleansing.

Ang ulan, simbolo ng banal na pagpapala at revelation. Ito ay nagdudulot ng tungkol sa pagkamalikhain at paglago.

Ang ulan na may kasamang kulog at kidlat sa panaginip, ayon sa “the dream book of Vanga” ay isang paghahayag ng kalooban ng Diyos. Kung ang isang tao ay natatakot sa mga bagyo, ito ay nangangahulugan na siya ay may ginawang kasalanan sa buhay at kailangan itong itama.

Ulan na may katamtamang lakas ay simbolo ng kasiyahan at parating na tagumpay.

Ulan na malakas at may madilim na ulap ay simbolo ng pagkabagabag dahil sa iyong problema.

Ngunit, kung wala namang pinsala o pagkawasak dulot ng malakas na ulan sa iyong panaginip, simbolo ito ng paglago (profits), awa at pagpapala.

Ulan na may pagbaha at maruming tubig ay nagpapakita na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga negatibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.

At kapag nanaginip ka ng ulan, ikaw ang nagre-release ng tension at stress dahil ang ulan ay simbolo rin ng ating emosyon.

At maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo.

Sa mga babae ang panaginip na ulan ay pagre-release ng sexual desires.

Sa mga lalaki naman ay maaaring ay simbololo ng pag-unawa ng kanyang sarili at lalo na sa damdamin ng kanyang partner.

Ang ulan ay isang positibong simbolo panaginip , na nagpapahiwatig na natagpuan mo na ang solusyon sa iyong problema.

Photo – credit to the owner

Share